Advertisers

Advertisers

Celtics pasok sa 2nd round ng NBA playoffs

0 188

Advertisers

UMUSAD na sa second round ng NBA playoffs ang Boston Celtics matapos na walisin ang Brooklyn Nets sa iskor na 116-112 sa Game 4 ng Eastern Conference sa first round series sa Barclays Center sa New York.

Ang Boston ang kauna-unahang team na umusad sa next round makaraang malusutan ang huling tangka ng Brooklyn na mapalawak pa ang best-of-seven series.

Pinamunuan ni Jayson Tatum ang opensiba ng Celtics sa kinamadang 29 points kahit na-foul out pa sa huling sandali.



Habang tumulong din naman sina Jaylen Brown na may 22 points at si Marcus Smart at nagdagdag ng 20 points at 11 assists.

Hindi na kinaya ng puwersa nina NBA superstars Kevin Durant at Kyrie Irving ang opensa ng Celtics na noong una ay hinulaang isa sa contender sa korona.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">