Advertisers
NADAKIP na ang suspek sa pagpatay sa siklistang dalagita sa Bulacan.
Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director, Brigadier General Ronald Lee, naaresto ang suspek na si Gaspar Maneja, Jr. alyas “Jose Francisco Santos” sa Pamplona, Camarines Sur nitong Huwebes ng umaga.
Inaresto si Maneja sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rape at 2 counts ng paglabag sa Anti-Child Abuse Law.
Matatandaang natagpuan ang bangkay ng biktimang si Princess Marie Dumantay, 15 anyos, Grade 9 student, ng 6A Tower Ville, Grace Ville, San Jose del Monte, Bulacan, sa madamong lugar sa kahabaan ng bypass road sa Barangay Bonga Menor, Bustos, Bulacan noong nakaraang Biyernes (Augst 12) matapos mawala noong August 9 habang nagbibisikleta.
Sa resulta ng medico legal, nagkaroon ng pilas sa ari ng dalagita, may paso ng sigarelyo sa kamay, at mga galos sa leeg at hita.
Sa imbestigasyon, napag-alaman na si Maneja ay may kinakaharap pang kasong 3 counts rape at 2 kaso ng child abuse.
Hindi na pumalag si Maneja nang arestuhin ng mga operatiba. Nakakulong ito ngayon sa CIDG Headquarters.(KOI JOSE LAURA/MARK OBLEAD)