Advertisers
Arestado ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang barangay councilor sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa Brgy Sta. Ana, San Pablo City, Laguna.
Kinilala ni CIDG Director Police Brig. General Ronald Lee ang suspek na si Henry Agonia Buenaflor.
Sa report, inaresto si Buenaflor sa kanyang tahanan nang silbihan ng search warrant ng mga tauhan ng CIDG Laguna Provincial Field Unit kasama ang lokal na pulisya.
Narekober sa kanyang posesyon ang isang armscor cal. 40 pistol, iba’t ibang mga bala at magasin.
Nasa kustodiya na ngayon si Buenaflor ng CIDG Laguna habang inihahanda ang kaukulang kasong isasampa laban dito.