Advertisers
INALIS sa pwesto ang hepe ng Lambayong Municipal Police Station sa Sultan Kudarat na si Major Jenahmeel Toñacao at lahat ng mga tauhan nito na sangkot sa barilan na nagresulta sa pagkasawi ng tatlong binatilyo sa Koronadal city.
Sa inilabas na statement ni Sultan Kudarat Police director, Colonel Christopher Bermudez, ginawa ang nasabing hakbang upang bigyang-daan ang isang impartial investigation sa pagkasawi ng tatlo sa isang checkpoint operation.
Iginiit din ni Bermudez na hindi sila nagpapabaya bagkus nakatutok sa kaso.
Nagpahayag naman ng kahandaan ang Commission on Human Rigths na tumulong sa pamilya ng mga nasawing sina Arshad Ansa, Horton Ansa Jr at Samanode Ali, pawang residente ng Lambayong.
Ayon kay Atty, Keysie Gomez, nakipag-ugnayan na sila sa kaanak ng mga nasawi at tutulong sila sa pamamagitan ng pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa pangyayari.
Samantala, maging ang Sangguniang Bayan ng Lambayong sa pamumuno ni Vice Mayor Eric Recinto ay nagsagawa na rin ng legislative inquiry sa nangyari.