Advertisers
PINAALALAHANAN ng Gabriela Women’s partylist ang Subway Philippines na huwag gamiting “object“ ang mga kababaihan sa paglalako ng kanilang “sandwiches”.
Ito ang iginiit ng Gabriela sa ipinahihiwatig na mensahe ng pinakahuling advertisement ng kumpanya na tila ikinukumpara ang tatlong babae sa iba’t ibang opsiyon ng sandwiches na kanilang iniaalok sa isang social media personality na lalaki na tinaguriang “lover boy”.
Mistula kasing ipinapakita ng commercial ads na hindi lamang isa ang kaniyang gusto bagkus tatlong babae na may hawak din na tatlong klase ng bread product.
Agad namang tinanggal ng international fast food chain ang ads makaraang umani ng samu’t saring negatibong reaksyon mula sa netizens.
Banat ng Gabriela, hindi karne ang mga kababaihan upang ikumpara sa pagkain dahil maituturing itong sexism at misogyny.
Maituturing na offensive, insensitive at triggering anila ang nasabing patalastas lalo na’t marami pa sa ating mga kababayan ang nakararanas ng sexual violence at pang aabuso.
Umaasa naman ang Partido na hindi na ito tutularan ng iba pang kumpanya at maging sensitibo sa dinaranas ng mga kababaihan. (Henry Padilla)