Advertisers
PUMANAW na ang convicted Filipino-Chinese drug queen na si Yu Yuk Lai.
Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor) dinapuan ang drug queen ng ‘acute myocardial infarction’.
Kinumpirma ni BuCor spokesperson Gabriel Chaclag na nagpositibo rin si Yu sa Covid-19.
Isang linggo na nanatili sa East Avenue Medical Center si Yu.
Naaresto si Yu kasama ang pamangkin nitong si Wiliam Sy noong 1998 dahil sa pagbebenta ng tatlong kilo ng shabu sa isang buy-bust operation.
Taon 2000 nang maaresto rin si Yu ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force na naglalaro sa hotel-casino na dapat nasa ilalim siya ng hospital arrest. (Gaynor Bonilla)