Advertisers

Advertisers

83 GRO, customers huli sa raid sa beerhouse sa Marikina

0 680

Advertisers

UMABOT sa 83 katao na kinabibilangan ng mga guest relation officer (GRO) at mga kostumer ng club ang inaresto sa raid ng awtoridad Linggo ng madaling-araw sa Marikina City.

Nadakip sa raid ng mga tauhan ni Colonel Benliner L. Capili, hepe ng Marikina City Police, ang mga GRO at costumer sa New River Gold Bar and Grill sa Gil Fernando Avenue, Barangay San Roque sa lungsod.

Ayon sa pulisya, lumabag ang mga ito sa City Ordinance at health protocols laban sa Covid-19 ng Inter-Agency Task Force (IATF).



Ang 83 individuals ay pawang inisyuhan lang ng tiket sa paglabag sa ordinansa at guidelines ng IATF.

Hindi sinabi sa report ng pulisya kung kinasuhan ang may-ari ng bar sa paglabag nito sa health protocols at curfew.



Ang bar ay hindi pa kasali sa mga pinapayagan ng gobierno na mag-operate sa ilalim ng mahigpit na General Community Quarantine areas.

Ang Marikina City ay isa sa mga lungsod sa NCR Plus na may mataas na kaso ng Covid-19. (Edwin Moreno)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">