Advertisers

Advertisers

OFWs pa-Saudi Arabia puede na lumipad – DOLE

0 421

Advertisers

INALIS na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pansamantalang suspensyon sa pagpapadala ng mga manggagawa sa Saudi Arabia.

Ayon sa labor department, ito ay matapos na matanggap ng gobyerno ng Saudi ang opisyal na komunikasyon nitong Sabado ng umaga kung saan pagtitiyak ng KSA na ang mga foreign employers at agencies ay babalikatin ang gastusin sa quarantine at iba pang COVID protocols sa pagdating ng mga OFWs sa KSA.

“I have advised the Philippine Overseas Employment Administration to immediately implement this directive and provide the necessary clearance to all our departing Filipino workers to facilitate their travel to the KSA,” bahagi ng pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III.



“I understand that the suspension order drew confusion and irritation among our affected departing OFWs,” pahayag pa ng kalihim.

Humingi naman ng paumanhin ang kalihim sa abala at panandaliang pagdurusa ng mga OFW.



Nagpasalamat din si Bello sa gobyerno ng KSA para sa pag-akto at pagbibigay ng katiyakan na hindi na mapapahamak ang mga kababayang OFWs papuntang Saudi. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">