Advertisers

Advertisers

VIRAL: Estudyante sinasagot ang module sa tabing-ilog para makasagap ng WiFi

0 219

Advertisers

NAG-VIRAL sa social media ang isang estudyante nang makuhanan ng larawan na nagsasagot ng module sa tabi ng ilog para makasagap ng WiFi sa isang hotel sa Naga City.

Sa retrato, makikita ang 20-anyos na Grade 11 student na si Carla Radores na nakasalampak sa tabi ng ilog sa Sitio Sagrada Familia, Barangay Peñafrancia.

Nabatid na naghahabol si Radores ng deadline sa pagsumite ng module noong hatinggabi ng Mayo 31 nang makuhanan ng retrato ng youth leader nila.



“Kakatapos ko lang kasi noon maghakot ng paninda po tapos last na para mag-submit kaya dinali-dali ko na pong tapusin, tapos wala po kasi kaming wifi kaya naisipan ko na dito po ako mag-gawa,” kuwento ni Radores.

Paliwanag ng nag-post na si Essel Bermundo, nais niyang magsilbing motibasyon si Radores.



“Pinost ko po kasi gusto kong maging motivation po si Carla para sa mga kabataan po na kahit mahirap, na kahit konti yung resources nila, may way para po makapag-aral,” ani Bermundo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">