Advertisers
DINAKIP ang isang Yemen national nang salakayin ng mga otoridad ang tinutuluyan nitong bahay sa Bakakeng Central, Baguio City at masamsaman ng mga tanim na marijuana.
Kinilala ang naaresto na si Hussein Muaadh Hasan aka Muah Yaf, 21 anyos, estudyante sa isang unibersidad sa Maynila, pero pansamantalang nanunuluyan sa Baguio City.
Sa report, ikinasa ang pagsalakay ng pinagsanib na puwersa ng PDEA-CAR (Baguio City Office at LTIU), PDEA-RO1 (RSET/SIU) BCPO Station 10, CIU, DEU at CIT-RIU 14 Baguio sa bisa ng search warrant na inilabas ng RTC Branch 5, Baguio City.
Sa naturang raid, nakasamsam ang 3 naka-paso na fully grown marijuana plants na may market value na P600 at humigit-kumulang sa 6 gramo ng marijuana stalks na may market value na P720.