Advertisers

Advertisers

Pacquaio at Sara suportado ng Kabangsa Nation Leaders

0 239

Advertisers

Todo suporta ang grupo ng Kabangsa Nation Leaders sa kandidatura ni Senador Manny Pacquaio na kasalukuyang kumakandidatong Pangulo ng bansa para sa darating na 2022 elections.

Napili rin nilang maging ka-tandem ni Pacquaio bilang Bise Presidente si Mayor Inday Sara Duterte, ng Davao city.

Ayon sa grupo kung saan pinangungunahan ni Alim A.Ibrahim, na tumatakbo naman Gobernador ng Lanao del Sur, na napili nila suportahan si Pacquaio na maging presidente dahil wala itong bahid ng korupsiyon.



Si Pacman lamang ang tumatakbong pangulo ng bansa ang nagbibigay ng tulong sa kanyang mga pinupuntahan na galing sa sarili niyang bulsa at ito lang ang nangakong magbibigay ng mga pabahay lalo na sa mga maralita.

Ayon rin kay Ibrahim, na ayaw ni Pacquaio na habang buhay na ang ilan sa mga Pinoy ang maging Overseas Filipino Worker (OFW), kaya tututulungan nito ang bawat Pilipino na makaahon sa kahirapan sa sariling bansa.



Sinigurado ni Ibrahim na 80% ng mga botanteng Muslim ang susuporta kina Pacquaio at Sara.

Dagdag pa ng grupo na sila Pacquaio at Sara lamang ang karapat dapat na mag-tandem para makamit ang tunay na pagbabago ng bansa at magkaroon ng tunay na tagumpay.



Nanawagan si Ibrahim sa lahat ng mamamayan Pilipino at mga kapatid na Muslim na suportahan ang kandidatura nina Pacquaio at Sara para sa 2022 polls.