Advertisers

Advertisers

LLYAMADO NA SI AMADO SA MAYNILA

0 332

Advertisers

SA isinagawang survey ng Maharlika TV na tinawag nitong ‘THE RESEARCH”, biglang lumamang na si Amado Bagatsing laban sa nakaupong Vice Mayor na si Honey Lacuna. Sa survey na ginawa noong April 23-27, nakakuha na si Amado Bagatsing ng 40%, habang si Honey Lacuna ay bumagsak sa 37% at si Alex Lopez ay tila napako na sa 16%.

Nang kapanayamin ang Kabaka kaugnay sa pagtaas ng kanilang posibilidad na tagumpay sa halalan, magalak na ibinahagi ng KABAKA ang kanilang pag-aaral sa sitwa-syong electoral ng Maynila.

Anila pangunahing salik dito ay ang mga naglalabasang survey na mula sa dating less than 10% lamang si Amado noong Oktubre 2021, ito ngayon ay umaabot na sa 40%. Ayon kay Atty. Ed Francisco, isa sa pinuno ng KABAKA, “ramdam na ramdam mo ang init ng pagtanggap ng mga Manilenyo kay Mayor Amado na sinasalubong ng ngiti at kasayahan ng mga tao sa bawat kalsada at komunidad na pinapasok”.



Sa pagtatasa na kanilang isinagawa, inilatag ng KABAKA ang mga salik na nagpapatibay ng kanilang mga pag-aaral. “Una, si Amado Bagatsing na lamang ang nagiging laman ng mabuting balita nga-yon sa Radyo, TV at Dyaryo. Pangalawa, si Amado Bagatsing ang umaangat sa mga positibong komento ng mga netizens sa social media. Pangatlo, inaakap ng mga Manilenyo ng kasayahan ang inilabas na political ads ni Amado Bagatsing na tinawag nitong “Masayang Maynila kay Amado”.

Pinanindigan din ng KABAKA na ang kanilang hanay ay may di-natitinag at solidong base na hindi bumababa sa 35% ng botanteng Manilenyo. Dumagdag pa ngayon dito ang maraming mga hindi sumusuporta dati kay Amado Bagatsing, na ngayon ay nagpahayag na ng suporta dito tulad ng mga progresibong hanay, ng mga sidewalk vendors, ng mga maralitang lungsod, ng mga drivers, at maging ng mga debotong Katoliko ng Sto. Niño at Itim na Nazareno.



Samantala, kapansin-pansin din na tila sobrang nananahimik ang ibang kandidato sa issue ng mga ibinentang pag-aari ng lungsod na lumabas sa datos ng Department of Budget and Management na umaabot ng mahigit sa 65Bilyong Piso. “Nagugulat ang lahat sa dami ng ibinentang pag-aari ng lungsod at sa laki ng halagang pumasok sa DBM. Marahil ang expose na ito ni Amado at paninindigan na labanan ang maling pagbenta ang nagpapataas ng tiwala ng Manilenyo kay Amado Bagatsing” pagpapalawig ng Kabaka partylist.

Ayon naman kay Amado Bagatsing “sobrang saya ng mga tao na nakakasalubong natin sa ating kampanyahan sa ngayon, na hindi ko namamalas noong mga nakaraang kampanyahan. Marahil nagustuhan ng Manilenyo ang ating programang Kabuhayan, Bahay, Kalusugan ng Manilenyo tungo sa isang Masayang Maynila. Palagay ko, we are now on the right time and at the right side of the people”.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">