Advertisers
INAASAHANG pasanin ng mga Pilipino ang pagbabayad sa lumolobong utang ng gobyerno.
Kasunod ito ng ipinanukalang fiscal consolidation at resource mobilization plan ng Department of Finance (DOF) kung saan nakapaloob ang pagpapataw ng bagong buwis, mas mataas na value added tax (VAT) at pagbawi sa income tax deduction.
Ito ay para mabayaran ang utang ng pamahalaan na lumobo na sa P12.68 trillion noong Marso na inaasahang papalo pa sa P13.1 trillion na resulta ng pag-utang ng bansa para sa COVID-19 pandemic response.
Samantala, kabilang sa mga ipinanukalang reporma sa buwis ng DOF ay ang excise tax sa motorsiklo, cryptocurrencies at single-use plastics; VAT sa digital service providers; at carbon tax.
Base sa pagtaya ng DOF, kung ipapatupad ng Marcos administration ang mga bagong hakbang ay makakalikom ang gobyerno ng kabuuang P349.3 billion kada taon.