Advertisers
SIMULA sa Lunes, May 27 ay balik na ang face-to-face session ng Senado
Ititigil na muna ang hybrid session o ang kombinasyon ng physically present at virtually present.
Ito ay dahil nasa Alert Level 1 na ang National Capital Region (NCR).
Ayon kay Senate Pres. Vicente Sotto III, hindi magandang manahin ng susunod na Kongreso ang magsimula ng hindi lahat present sa loob mismo ng Senado.
Sinabi naman ni Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri, kung ang mga estudyante ay nakakapag face-to-face na, dapat aniya ang mga senador ay magbalik sesyon na rin physically.