Advertisers

Advertisers

Isko nagreak bilang Ninoy sa pelikulang ‘Martyr or Murderer’

0 219

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

HABANG patuloy ang pagtabo sa takilya ng “Maid in Malacañang” sa buong mundo, sa bansa naman ay ipalalabas ang ikalawa sa trilogy ng MiM, ang “Martyr or Murderer” simply MoM. Mapapanood na nationwide sa lahat ng sinehan simula sa Marso 1, handog ng Viva Films at sa direksyon pa rin ni Darryl Yap.
Sa pangunguna nina Cesar Montano as Pres. Ferdinand Edralin Marcos, Ruffa Gutierrez as First Lady Imelda Marcos, Diego Loyzaga as young Bongbong, Cristine Reyes as Imee Marcos, with Isko Moreno as Sen. Ninoy Aquino, Jerome Ponce as young Ninoy at marami pang iba.
Kung ang MiM ay tumatalakay sa ilang oras na pamamalagi ng Pamilya Marcos sa palasyo o sa Malakanyang noong EDSA Revolution, ang kuwento naman ng “Martyr or Murderer” ay naka-focus sa pamilya Marcos at kung paano nila hinarap ang pagiging suspek sa pagpaslang kay Ninoy. At dito ay matatalakay ang ilang kuwento ng buhay ni Ninoy.
But wait, tsikang halos makakasabay din mapanood ng “Martyr or Murderer” ang isa pang pelikula na tatalakay sa buhay ni Ninoy. Hindi maiiwasan na mabigyan ng kumparison ang 2 pelikula.
Sa MoM ay papel ni Ninoy ang ginagampanan ni dating Mayor Isko, at hindi maaalis na magiging makatotohanan ang kanyang pagganap lalo na may katapat na version ito ng isa pang kuwento sa buhay ni Ninoy. Naniniwala naman kaya si Isko sa sinasabi ng ilang kritiko na may historical revisionism?
Sa isang panayam ay nasabi ni dating Mayor Isko; “Walang Historical Revisionism. When you were given a chance to tell your story, you did it. And the other side of the river should be given a chance to tell their side of story because in a coin there is always two sides and it is up to you as viewers to distinguish.
This is not about revising, this is a creative thing done in a country so the confiderate and the union telling stories they are not re-writing history, there is history in history book, not being altered.”
Ang tanong, malagpasan naman kaya ng MoM ang box office gross ng MiM?