Advertisers

Advertisers

Sosyal…Heart bumili ng sofa sa Paris sa halagang P400K

0 163

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MINUMUWESTRA pa ni Dina Bonnevie ang kanyang pagbabalik alaala sa nakaraan noon sa pagtuntong nito sa Davao.
Sa pagbabalik tanaw nito ay biglang naalala nito ang mga pangyayari nang minsang matutukan siya ng armalite ng isang guard.
As in, nanita at itinutok sa kanya ang armalite ng isang guard kaya nagulat ito.
Kinawawa at inapi raw ang apo nito sa Santino na evil role si Dina as Molena.
Kaya napasabi ito sa guard na role lang ang ginawa nito sa Santino.
At isa pang pagbabalik tanaw ni Dina nang may bibilhin ito sa mall as in nilapitan ito ng isang Lola at kinalawit siya ng payong dahil kawawa raw kay Dina si Santino.
Sabi naman ng effective bida kontrabida sa lola na role lang daw ‘yun pero ayaw pa rin anya tumigil kaya rumesponde na ang mall guard.
Kaya dahil sa mga pangyayari na ‘yun ay parang ayaw na niyang gumanap ng evil role.
At baka dahil sa mga ganung role na ginawa nito sa May Bukas Pa ay baka mapatay pa siya, ani Dina sa isang panayam sa kanya ng isang platform sa socmed.
***
IBINAHAGI ng fashion icon actress na si Heart Evangelista sa kanyang vlog ang pag-ikot nito at pamimili sa paborito nitong shopping area sa Paris.
Naghanap ito ng sofa na ilalagay sa kanyang apartment na titirhan sa Paris.
At nakakita na nga ito ng sofa na babagay sa kanyang apartment.
Naloka ang netizens sa halaga ng sofa ni Heart.
Yes, dahil nakapili at nakabili na ng kanyang sofa si Heart ay ipinakita nito sa vlog ang kanyang sofa.
Nagulantang ang netizens sa presyo nito na magha-half a million na.
Ang presyo daw ng sofa ni Heart ay 7, 585 dollars or P400k.
May natuwa at meron namang napa-react na netizen na bakit pa raw kailangang ipangalandakan ang halaga ng sofa.
May nagtanggol naman na netizen kay Heart na can afford nito ang mag buy ng ganun ka-expensive na sofa at sarili niyang socmed account ‘yun kaya walang pakialaman guys, sey pa ng nagtanggol kay Heart.
Well, well, well…’Yun na!