Advertisers
Ni FAVTINNI SAN
SA huling edisyon ng game show ni Willie Revillame, hindi maitago ang hinanakit nito sa mga taong kanyang natulungan.
Naging bokal ang host-producer dahil sa banat ng mga netizen na kanyang tinuran na may mga TV show sa AllTv na mahihinto muna.
Kitang kita sa kanyang mukha ang labis na sama ng loob at sa mga sinabi ni Kuya Wil, na sila ang mga taong tinulungan niya na mag-stay sa Wil Tower at may pera pang pakimkim e, talagang hirap sa pananalapi dahil pandemic.
Isang aktor na tumakbong konsehal ang lumapit sa kanya at binigyan niya ng P50K. May mga reporters daw na kanyang tinulungan at pinagbibigyan ng P10K.
Wika ng host ng Wowowin na di siya nanunumbat bagkus nasasaktan na sa kanila pa galing ang mga salitang “nakarma na ako.” Porke, nagsabi na may shows na mahihinto sa pag-ere. Kung sabagay, bukas ang mga palad ni Kuya Wil sa pagtulong.
Isang bagay lang siniguro niya, di siya papasok sa pulitika. Kaya sa mga bashers niya at nanlalait sa kanya na “buti nga mawawala ang kanyang game show,” nagkakamali sila. “Inaayos lang ang marketing at dahil bago pa ang AllTv network kaya di pa pinapasok ng TV commercial.
Opps, ano kaya at pangalanan ni Kuya Wil ang mga nabanggit na mga tao na kanyang tinulungan? Sey pa ng host/producer sa kanyang mawawala at gusto na “kahit di ako mag host ng game show, tuloy ang aking masayang buhay.”
***
NORA AUNOR ‘DI MUKHANG PULUBI
NAG-IISANG national artist na aktibo sa syobis, superstar Nora Aunor at may bagong pelikulang gagawin na kanyang makakasama sina Gina Alajar at konsehal Alfred Vargas. Nakatakdang gawin niya ang PIETA na kakaibang bersiyon na sinulat ni Gerry Gracio at sa direksiyon ni Adolf B. Alix, Jr.
Napaluha si Ate Guy, muli nakita niya ang working press people sa mediacon. Lahat naman tayo ay nagtiis nuong pandemic at sa kalagayan niya ay doble ingat dapat sa kanyang kalusugan.
Masuwerte nga siya dahil may mga prodyuser na naniniwala sa kanyang kakayahan at nasabi pa nga “dahil sa mga taong yun na pinahirapan din ako, sabi ko, balang araw pag ako ang nagkaroon, ipinapangako ko na hindi ko gagawin yung ginawa ninyo sa akin. Kaya siguro naman, sumobra lang ngayon. Kaya sumatotal, pulubi pa rin ako hanggang ngayon”.
E, sabi ng mga artistang kasama niya sa telebisyon at pelikula na sobrang generous ni Ate Guy. Kapag nasa set and break time ay nagpapalaro siya at ang premyo ay cash money. Maging sa last teyping o syuting, nagpapa-raffle siya.
Of course, marami ang di maniniwala na siya ay pulubi as in naghihirap. Masyadong mapagkumbaba lang siya.
Ang kanyang lupain sa Iriga City, na kahit ipinamahagi niya ang ekta-ektaryang lupa ay may natira pa sa kanya na siya siguradong mamanahin ng kanyang limang anak.