Advertisers

Advertisers

With Rozz Daniels: Some things start out small

0 253

Advertisers

KASALUKUYANG nakikipaglaban ang Soft Rock Diva na si Rozz Daniels para
sa kanyang karapatan.
Ongoing na ang isinampa niyang kaso laban sa isang veteran singer-composer sa Amerika kaugnay sa kagustuhan niyang mabigyan ng katarungan ang pagkabigo ng una na tuparin ang napag-usapan nila tungkol sa kanyang singing career.
Katunayan ay naisagawa na kamakailan ang unang hearing na isinampa ni Rozz at ngayong Marso ay gaganapin na ang second hearing.
“We have another date in virtual court set sometime in March. A humble start to a redemptive fight for the plaintiff in the State of Wisconsin, small claims virtual courtroom,” tsika pa ng singer.
Samantala, busy rin si Rozz sa kanyang trabaho bilang Financial Analyst sa isang malaking kumpanya sa US.
Nagpaplano na ring lumipat ng tirahan si Rozz at ang kanyang mister na si David Daniels pero pinag-uusapan pa nila kung saang lugar mananatili.
Gayundin, sa Feb. 19 ay nakatakdang bigyang parangal si Rozz ng 3rd Southeast Asian Achievement Award bilang International Filipino Rock Diva of the Year 2022.
Gaganapin ang Awards Night sa Feb. 19, 2023, 6 pm sa Manila Grand Opera Hotel.
Kasabay nito ay may gagawin ding shows sa Chicago si Rozz sa Feb. 18 at 19.
Bukod pa rito, tuluy-tuloy pa rin ang pagpe-perform ni Rozz at kanyang mga anak-anakang sina Jerome Sangalang, Harold Evangelista at Derf Dwayne, at ang kapwa-singer na si Ms. Irelyn Arana sa KUMU show na The Rocks and Rozz Show every Saturday, 10:00 am dito sa Pinas.
Umaasa si Rozz na magiging maganda ang pasok ng taong ito sa kanya at mabibigyan ng justice ang hindi magandang ginawa sa kanya ng singer-composer.
Goodluck and God bless you, Rozz! (Blessie K. Cirera)