Advertisers

Advertisers

Rice Liberalization Law, ipinababasura

0 167

Advertisers

NANAWAGAN ang grupong Bantay Bigas sa pamahalaan na ibasura na ang Republic Act No. 11203 o ang “Rice Liberalization Law.”

Sa harap ito ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado.

Ayon sa tagapagsalita ng grupo na si Cathy Estavillo, sa nakalipas na apat na taon ay wala ‘ni isa sa mga pangako ng batas ang natupad gaya ng pagpapababa ng presyo ng bigas sa P25 kada kilo dahil narin sa inaasahang pagdagsa ng imported rice.



Bigo rin, aniya, ang batas na matugunan ang problema ng mga magsasaka sa cost of production, kawalan ng lupang sakahan at mga post-harvest facility sa pamamagitan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF.

“Wala tayong nakitang pagbaba ng presyo ng bigas, tuloy-tuloy. Kahit 32 pesos, kahit 28 pesos, wala,” giit ni Estavillo sa panayam ng DZXL.



“Tapos ang pangako din nito sa’ting mga farmer ay magiging competitive ang ating mga farmer sa pamamagitan ng RCEF mula sa 10 billion [pesos] na makokolekta nito sa imported na bigas ay ibabalik sa mga magsasaka sa pamamagitan ng mga binhi, makinarya, loan, training.”

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">