Advertisers

Advertisers

BARYA PUEDE NANG PALITAN SA COIN DEPOSIT MACHINE

0 203

Advertisers

PUWEDE nang ikarga sa coin deposit machines ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga barya.

Sa nasabing makina, maaaring ihulog ang mga barya para maikarga sa e-wallet o maging voucher na puwedeng ipambayad sa mall.

Sa ngayon, mayroon ang coin deposit machines sa SM Mall of Asia sa Pasay City; Robinsons sa Ermita, Maynila; at sa Festival Supermall sa Muntinlupa City.



Ayon sa BSP, magdaragdag pa sila ng mga nasabing makina sa anim na iba pang lugar.

Layon ng coin deposit machines na maiwasan ang ‘coin hoarding’ at maibalik sa sirkulasyon ang mga barya para hindi na gumastos ang pamahalaan sa pagpapagawa muli ng mga ito.



Tinatanggap ng makina ang mga BSP coin series at new generation currency series na isa, lima, sampu at beinte singko sentimos, gayundin ang piso, limang piso, sampung piso at beinte pesos na barya. (Mula sa DZBB)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">