Advertisers

Advertisers

Kasama sa narco-list…POLITIKO ‘SABIT’ SA P3.6-B SHABU SA PAMPANGA

0 86

Advertisers

ISANG politiko na napasama sa narco-list noon ni dating Pangulo Rodrigo Duterte ang umano’y sangkot sa nasamsam na 530 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P3.6 billion sa isang warehouse sa Pampanga noong Miyerkules (Setyembre 27, 2023).

Ang naturang pulitiko ay aktibo na naman umano sa pagpupuslit ng ipinagbabawal na gamot matapos manahimik nang mapasama ang kanyang pangalan sa mga politikong nasa drug-list ni Duterte noon.

Ang pagkasamsam sa 530 kilos ng shabu ay resulta ng matiyagang pagtugaygay ng pinagsanib na puwersa ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).



Ang naturang kontrabando ay lulan ng barkong Sitc Sekou mula bansang Thailand. Dumaong ito sa Subic Port September 18, 2023.

Na-monitor ito ng mga awtoridad at nagsagawa ng “controlled delivery” operation kungsaan ay sinadyang palabasin muna sa Subic Port ang kontrabando saka sinundan patungo sa warehouse sa Purok 5, Barangay San Jose Malino, Mexico City, Pampanga.



Pero marami ang nagtataka kung bakit nakatakas ang foreigners na nasa likod ng “shabu smuggling” gayung isa itong controlled delivery operations.

“Successful na sana ang operation dahil na-monitor ang mga droga pagpasok at paglabas ng Subic. Pero bakit walang nahuling suspek?” sabi ng isang intelligence officer.



Ang 530 kilos ng shabu ay nakasilid sa kulay brown na karton ng red at golden tea bags na ang nakalagay ay chicharon at dog foods.

Kaugnay nito, kumalat ang balita na isang maimpluwensiyang pulitiko ang nasa likod ng tangkang pagpuslit ng bultu-bultong shabu.

Ang maimpluwensiyang pulitiko ay kilalang malapit na kaalyado ng dating namamahala sa SBMA.

Matapos pangalanan ni noo’y Pangulong Duterte at isama sa “drug matrix”, nag-lie low ito ng ilang buwan.

Naniniwala ang mga awtoridad na ang kalakaran ng pagpupuslit ng illegal na droga sa Subic ay dati nang nangyayari at nabuko lamang ito dahil sa bagong administrasyon.

Ang SBMA ay pinamumunuan ngayon ni Chairman/Administrator Jonathan Tan na personal ding nag-monitor upang maging matagumpay ang ‘controlled delivery’ na ikinasa ng NICA, NBI at PDEA.

Kung matatandaan, Hulyo 2016 nang masakote naman ng PNP ang isang foreign vessel na ginagawang laboratoryo ng shabu.

Mismong si dating PNP Chief ngayo’y Senador “Bato” Dela Rosa ang nakahuli sa naturang barko na naglalayag sa coastline ng Subic, Zambales.

Apat na Chinese nationals mula sa Hong Kong ang naaresto sa naturang police operation na nagbigay patunay na sa mismong barko na ngayon ginagawa ang shabu.

Samantala, naghain na ng House Resolution 1346 sina Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales at Rep. Ace Barbers para imbestigahan ang naturang nasabat na shabu sa Mexico City at Mabalacat, Pampanga.