Advertisers

Advertisers

P20 kada kilo ng bigas ibinebenta sa Kadiwa stores sa Albay

0 16

Advertisers

IBINEBENTA sa Kadiwa ng Pangulo sa Albay ang P20 kada kilo ng bigas.

Sa isang pahayag, sinabi ng National Irrigation Administration (NIA) na inilunsad nito ang Kadiwa ng Pangulo sa Albay-Catanduanes Irrigation Management Office (ACIMO) sa Ligao City, Albay kung saan ibinebenta ang P20.00 kada kilo ng bigas sa mga residente.

Kabilang sa mga prayoridad na makatanggap ng P20.00 kada kilo ng bigas ay ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries, matatanda, persons with special needs.



Ang mga regular na customer naman ay nakabili ng bigas sa halagang P35.00 kada kilo.

Bukod sa abot-kayang produktong bigas, sinabi ng NIA na iba’t ibang prutas at gulay, ilang delicacy at iba pang produktong sakahan ang ibinenta din sa “Kadiwa ng Pangulo” sa napaka-abot-kayang presyo.



Idinagdag ng NIA na sinusuportahan nito ang inisyatiba ng gobyerno na tulungan ang mga IA na ibenta ang kanilang mga produkto nang direkta sa mga mamimili at upang gawing mas madaling ma-access at mas mura ang pagkain para sa mga mahihirap na indibidwal.

Ang proyekto ay naging posible sa pamamagitan ng pagsisikap ni NIA Regional Manager Engr. Gaudencio M. De Vera, Albay-Catanduanes IMO Manager Engr. Jessie D. Baynas, at ACIMO IA Federation President Melanio Bañares.



Sinabi ni Bañares na katuparan para sa kanila, mga pinuno at miyembro ng IA, na ibahagi ang kanilang biyaya mula sa masaganang ani sa nakaraang panahon ng pananim sa gitna ng El Niño phenomenon sa bansa.

Binigyang-diin ng NIA na nananatili itong nakatuon sa pagtaas ng pro-duksyon ng bigas tungo sa pagsasakatuparan ng “Bagong Pilipinas” na inaakala ni Pangulong Marcos. (Vanz Fernandez)