Advertisers
NADAKIP ang dalawang suspek sa panggagahasa at pagpaslang sa 11-anyos na batang babae na dalawang araw nang nawawala bago natagpuan sa masukal na bahagi ng Barangay Sta. Clara, General Trias City, Cavite umaga ng Lunes.
Ayon sa ipinadalang report ni General Trias City Police Chief, Lieutenant Colonel Jose Naparato Jr.; sa opisina ni Calabarzon PRO 4A Regional Director, Brigadier General Paul Kenneth Lucas, kinilala ang mga suspek sa mga alyas “CJ”, kapitbahay ng biktima na naaresto 12:20 ng gabi ng Huwebes; at alyas “Alex” na nasakote 7:00 ng umaga din ng Huwebes, June 13, 2024.
Sa ulat, ginawa at nangyari ang karumaldumal na krimen sa isang hindi na binanggit na eskuwelahan.
Sa report, inutusan ng isa sa mga suspek habang umiinom ng alak na bumili ng sigarilyo ang napadaan na dalagita 11:00 ng gabi ng Linggo, at nang malasing ang mga suspek ay halinhinang ginahasa ng mga ito ang biktima bago sinakal, sanhi ng pagkamatay nito.
Nakakulong ngayon sa General Trias City Police Station.(KOI LAURA)