Advertisers

Advertisers

Batas na lumikha sa Negros Island Region (NIR) para sa mas mabilis na paghahatid ng serbisyo at paglago ng ekonomiya, pirmado na ni PBBM

0 11

Advertisers

PINURI ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino nitong Huwebes ang paglagda ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr sa Malacañang ng Republic Act 12000, na nagbibigay mandato sa pagbuo ng Negros Island Region (NIR).

“This is a landmark measure that will bring together in one region the two Negros provinces – Oriental and Occidental, including Bacolod City – and the island-province of Siquijor,” pahayag ng Senador na isa sa prinsipal na may akda ng nasabing batas.

Personal na dinaluhan ni Tolentino ang paglagda ng NIR Law ni Pang. Marcos Jr. sa palasyo na sinaksihan din ng mga Senate at House leaders, gayundin ng mga kinatawan sa congressional district mula sa bagong likhang NIR.



“This new law will facilitate the faster delivery of public services to the residents of the three provinces, as well as the integration of institutions, agriculture, and industries operating in the NIR,” pagbibigay diin ng S
senador.

“This integration will play a key role in bringing about sustainable growth to the new region and its people,” dagdag pa ng senador na may malawak na karanasan sa local governance bilang dating alkalde ng Tagaytay City at chairperson ng Metro Manila Development Authority.



Sinabi pa ni Tolentino na sa binuong NIR ay makakatiyak ng mas mabilis na responde mula sa national government agencies (NGAs) sa panahon ng emergencies at natural calamities.

Matatandaan na matapos ang pagsabog ng Mt. Kanlaon, ay umapela ang senador para sa direktang intervention mula sa NGAs – partikular sa health at agriculture departments – upang tulungan ang mga apektadong lokalidad sa Negros Occidental at Oriental. Ang dalawang lalawigan ay kasalukuyan nabibilang sa dalawang magkahiway na rehiyon: Regions VI and VII, respectively.



Sa ilalim ng bagong batas, ang NGA ay ika-cluster at lilikha ng mga regional offices upang matiyak ang epektibong paghahatid ng pangunahing serbisyo ng pamahalaan. (ANDI GARCIA)