Advertisers
INAMIN nitong Martes ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na nilagdaan niya ang huling pahina ng kanyang counter-affidavit hinggil sa human trafficking na inihaing kaso laban sa kanya bago tumakas sa Pilipinas huling linggo ng Hulyo.
Ang pag-amin ay ginawa ni Guo sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa mga ilegal na POGO nang suriin ng mga senador ang counter-affidavit na nanotaryo ng Agosto 14 at isinumite sa Department of Justice Agosto 16 o isang buwan matapos tumakas si Guo sa bansa.
“Your Honor, ‘yung last page ng document na-sign ko po bago po ako umalis…July first week po,” pahayag ni Guo sa mga senador.
Tinanong ni Senador Sherwin Gatchalian kung nakumpleto na ang counter-affidavit nang pirmahan niya ang dokumento.
Sagot ni Guo: “Opo, partially may natapos na po.”
Hiniling naman ni Guo ang right against self-incrimination nang tanungin kung binasa ba niya ang kanyang counter-affidavit.
Inamin din ni Guo kay Hontiveros nang iprisinta ng senadora ang sinumpaang affidavit ng isang “Ka Dante” na tumulong umano sa mga tauhan ni Guo sa pagproseso ng pagnotaryo ng kanyang counter-affidavit.
Sa affidavit ni Ka Dante, sinabi niya na tinawagan siya ni Cheryl Ordoña Medina, ang executive secretary ng Sual, Pangasinan Mayor Liseldo “Dong” Calugay na hinihinalang manliligaw din ni Guo, noong Agosto 12 kung may kilala siyang notary public na maaaring magpa-notaryo ng affidavit para sa isang tao na hindi pinangalanan at humingi ng tulong upang mapadali ang naturang dokumento. (Mylene Alfonso)