Advertisers

Advertisers

MARILAO, NAKAKUHA NG SUPORTA SA FCCCII

0 22

Advertisers

NAGBIGAY ng donasyon na mga bigas at classrooms ang Filipino at Tsino Magkaibigan Foundation of the Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) sa municipality of Marilao, Bulacan, na isa sa mga pinakagrabeng tinamaan ng mga pagbaha nitong nakaraang mga bagyo.

Sina Marilao Mayor Atty. Jem Sy (kanan) kasama sina Administrator Bernie Ang; (kaliwa) Chris Chua, executive assistant ni Ang at Loma de Gato Barangay Chairperson Aya Saycon. (JERRY S. TAN)

Personal na tinanggap ni Marilao Mayor Atty. Jemina Sy ang mga nasabing donasyon na idinaan sa tanggapan ni Administrator Bernie Ang at personal ding nai-turn over ng federation officials sa pamumuno ng Presidente nitong si Victor Lim. Kasama din ng alkalde sina Vice Mayor Ariel Amado; Chris Chua na executive assistant ni Ang at si Loma de Gato Barangay Chairperson Aya Saycon.



Nagpahayag ng pasasalamat si Mayor Sy para sa mga nasabing donasyon at aniya: “they will go a long way in helping our constituents whose livelihood were displaced, on top of the assistance being provided for by our office.”

 

Inihayag din nito ang plano nila ni Administrator Ang na magtayo din ng Chinatown sa Marilao. Umikot umano siya sa Chinatown upang makita kung paano nila gagawin ang gayon sa Marilao.

Aniya, ‘welcome’ ang mga Chinese-Filipino businessmen sa Marilao at inengganyo din niya ang mga ito na magnegosyo sa kanilang munisipalidad gaya ng kung paano sila tumulong sa pag-unlad ng Maynila at buong bansa.

Sa kanyang banda ay pinasalamatan ni Administrator Ang ang FFCCCII para sa mga nasabing donayon na binubuo ng 1,000 sacks of rice at apat na classrooms para sa Loma de Gato sa Marilao. (JERRY TAN)