POLUSYON NG COAL AT NAKAAMBANG PAGSABOG SA KUTA NG BURIKI!
Advertisers
Ni CRIS A. IBON
KINONDENA ng mga environmentalist sa Batangas at ma-ging sa ibang panig ng CALABARZON ang ‘di pagkilos ng mga awtoridad kabilang ang Philippine National Police (PNP), Philippine Coastguard (PCG), iba pang port officials, Department of Environment and Natural Resources (DENR) pati na ang mga lokal at barangay official sa walang patumanggang pagtatambak ng coal (uling) na dinidiskarga sa Barangay Simlong, Batangas City ng mga ocean-going na barko mula sa ibang bansa.
Hindi lamang polusyon kundi maging ang posibleng pagsabog ng mga nakaimbak na smuggled at nakaw na krudo, gasolina, gas, Liquified Petroleum Gas (LPG) at ng mapanganib na aviation fuel sa kuta ng sindikato ng buriki na pinatatakbo ng isang alyas “Balita” sa isinaradong beach resort sa naturang barangay ni Chairman Rufo Caraig.
Delikadong kemikal ang mga nakaimbak sa nababakurang mga bodega ni Balita lalo na ang aviation fuel na kinabibilangan ng Jet A-1, Jet B, Avgas at Biokerosene na higit pang sensitibo kaysa gasolina, krudo at LPG, ayon din sa kalatas ng mga environmentalist sa Police Files Tonite (PFT).
Maraming dekada na ang ha-yagang operasyon ng sindikato ni Balita sa isinarang beach resort na ginawang kuta ng smuggling at pilferage syndicate na pinagkakakitaan ng bilyones na salapi.
Ang mga kontrabando at nakaw na produktong petrolyo ay ipinabebenta ni Balita sa mga operator ng pangturistang jet motor na nagbibiyahe sa Batangas City patungong mga beach resort sa Puerto Galera, mga gasoline station sa Oriental at Occidental Mindoro at iba pang gasoline stations sa Batangas City at CALABARZON.
Pinangangambahan na sa sandaling magkaroon ng pagsabog sa kuta ng paihi ay magkakaroon ng malawakang sunog at polu-syon sa mga barangay ng Tabangao, Pagkilatan, Ambulong, Pinamucan Ibaba, Libjo at iba pang coastal areas sa Batangas City, na ang mapagbubuntunan ng sisi ay hindi lamang sina PNP Acting Chief LtGen. Jose Melencio Nartatez Jr., Philippine Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Gil L. Gavan, Bureau of Custom District Collector Atty. Carmelita Talusan, PNP Region 4A Dir. Paul Kenneth Lucas, Batangas OIC PNP Provincial Director Col. Geovanny Sibalo, Batangas City Police Chief LtCol. Ira Morillo, City Environment and Natural Resources Office (CENRO) Oliver C. Gonzales at higit sa lahat si Chairman Caraig.
Bagama’t may pagdududa na nakikinabang si Chairman Ca-raig sa pagdaong ng mga barkong may kargang coal, smuggling at buriki operation sa kanilang barangay ay itinanggi naman ng kanyang mga barangay official na hindi sila tumanggap o tumatanggap ng suhol o intelhencia mula sa mga taong sangkot sa naturang ilegal na aktibidad.
Tinangka ng PFT reportorial team na iparating sa kaalaman ni Batangas City Mayor Mario Vittorio “Marvey” A. Mariño kung paanong nakapagdiskarga ng libong tonelada ng pulbos na uling at bakit nananatiling nakapagkukuta sina Balita sa Brgy. Simlong, Batangas City?
Tiniyak naman ng isang city hall official na ang kanyang maybahay na si Batangas 5th District Representative Beverley Rose Dimacuha ay hindi papayag si Mayor Mariño na pagkutaan ng mga ilegalista ang kanilang siyudad.
Ang perwisyong dulot ng petro-smuggling, buriki at tambak na tone-toneladang pulbos na uling na umano’y nagmumula pa sa Indonesia ay nasa Sitio Hilltop ng naturang din barangay malapit lamang sa kuta ni alyas Balita ay malaki na ang idinulot na ligalig at pinsala sa mga residente dahil sa malalang pagkakasakit ng mga residente dito lalo na ng mga bata.
Ayon pa sa mga environmentalist, ang pinulbos na uling ay nagiging sanhi ng sakit sa baga, ubo, sipon, iba pang respiratory diseases, lagnat, pagkahilo at pagsusuka ngunit nakapagtatakang walang aksyon laban dito si Chairman Caraig.
Ang iba pang sindikato na nag-o-operate sa hurisdiksyon ni BGen. Lucas ay ang smuggling at pilferage syndicate ni alyas Joel sa Brgy. Papaya, Nasugbu, Batangas na nagpapadiskarga rin ng barko-barkong kontrabandong petrolyo mula sa Malaysia at China sa mga dalampasigan ng Brgy. Salong Calaca City, Brgy. Nagsaulay at Brgy. Subukin sa bayan ng San Juan, pawang sa lalawigan ni Batangas Gov. Vilma Santos Recto; at sa Brgy. Guisguis, Sariaya, Quezon Province.
Nasa area of responsibility (AOR) din ni BGen. Lucas ang buriki/paihi na pinatatakbo ni alyas Amigo malapit sa Tierra De Oro Resort, Maharlika Highway, Brgy. San Antonio 1, San Pablo City, Laguna; ang ino-operate nina Amang, Aldo at Violago Group sa Brgy. Bancal, Carmona City, Cavite; ang minamantine nina alyas Sammy at Alfred sa Brgy. San Luis, Guinyangan, at ang ino-operate ng lider ng religious cult na alyas “Kapatid Charlie” sa tabi ng Brgy. Talisay Elementary School, Tiaong, Quezon Province.
Kinuwestyon ng mga enviromentalist ang kawalang aksyon laban sa mga ito nina Gov. Santos-Recto, Laguna Gov. Sol Aragones, Gov. Gabriel “Abeng” Remulla at Gov. Angelina “Helen” Tan.