Advertisers
Ni Anne Venancio
KINILIG ang mga netizens nang aminin ni Coco Martin na nagpapatayo siya ng bahay para kay Julia Montes.
Sa panayam ng aktor kay Karen Davila sa YouTube channel nito, ibinahagi niyang kahit marami na siyang natupad sa buhay, may mga bagay pa rin siyang gustong paghandaan bago simulan ang susunod na yugto ng kanyang personal na buhay.
“May mga bagay pa akong inaayos sa buhay ko. Gusto ko, ‘pag dumating na ‘yung tamang oras, perfect timing talaga,” ani Coco.
Nang tanungin ito ni Karen kung kasal na ba sila ni Julia o nagplano na ng secret wedding? Natawa lang ang aktor at sinabing hindi pa sila kasal. Ang tanging kumpirmado ay may ipinatatayo siyang bahay para kay Julia.
“Basta ako na lang ang nakakaalam nun,” biro pa niya. “May plano ako, may gusto akong mangyari.”
Matatandaang inamin lamang ng dalawa noong 2023 ang kanilang relasyon at marami ang umaasa na mauwi ito sa kasalan.