Advertisers
By ARCHIE LIAO
Naniniwala ang Asia’s Pop Sweetheart” na si Isha Ponti na epektibo ang isang artist kapag humuhugot siya sa kanyang sariling karanasan.
Bilang singer-songwriter, naging bukal daw niya ng inspirasyon sa kanyang mga komposisyon ang mga pinagdaanan niya sa buhay.
Sa launch ng “LIKAS”, sinabi niya na ang mga awiting nakapaloob sa album ay repleksyon ng kanyang paglalakbay bilang tao at manlilikha pati na ang mga leksyon na kanyang natutunan.
“Iba kasi itong album na ito. It’s about my personal experiences concerning love, dreams, and heartaches. It’s my story. It’s not about the seasons of life. It’s about my personal experiences that can resonate with you,” aniya. “Iba’t ibang scenario ang nangyari sa album na ito,”dugtong niya.
Aminado rin siyang minsang nakaranas na rin siya ng pagkabigo sa ngalan ng pag-ibig.
“Wala pa pong guy sa mundo ko. I am focused only on my dreams, career, and school. It’s all about longing for the dreams. Lagi kong sinasabi kay Lord na bigyan niya ako ng sign kung kailan darating sa akin ang mga pangarap ko, iyong tao na magiging forever ko,”kuwento niya.”But one time, dumating na iyong guy sa buhay ko. At that time, I thought that was the Lord’s answer to my longing. But eventually, it turned out not to be. It’s just an illusion. Hindi pala siya true love. Nasaktan ako, ” dugtong niya.
Dumaan din daw siya sa stages ng moving on tulad ng denial, anger, bargaining, depression, acceptance and eventually growth.
“I already let go, but there are still remnants of him. But I am letting go now. Hindi maganda yung nangyari throughout the relationship, “lahad niya. “Despite the pain and destruction, I still chose to be kind. That’s why kindness is important. In the end, I just found self-love. I just realized, in the end, ako lang pala iyong pinagpi-pray ko all this time,” pahabol niya.
Ang LIKAS na koleksyon ng mga kathang awitin ay pumapaksa sa mga reyalidad tungkol sa love, growth, healing at self-discovery.
Ito ay acronym para sa Longing, Illusion, Kindness, Acceptance, Self-love na pumapaksa sa kaluluwa ng album at journey niya bilang artist.
Para sa kanya, pinaka-emosyonal na piyesa sa track ang ‘Bakas.’
Gusto naman niyang ihandog ang awiting “Warmth” sa kanyang ina laging nakasuporta sa kanyang karera.
Kasama sa kanyang album ang ‘Darating’
‘Numero’, ‘Hinga’, ‘Kabanata’, ‘Halika’,
‘Warmth’,’Gulong’, ‘Bakas’, ‘Riversky’ at
‘Mismo’.
Ang “Kabanata” ay available na sa Spotify at lahat ng major musical platforms worldwide.
Mula sa panulat at komposisyon ni Isha ang LIKAS ay isang patunay ng kanyang pagiging henyo bilang songwriter at storyteller.
Naging katuwang niya sa pag-areglo ang acclaimed musical director at producer na si Adonis Tabanda.
Para ipagdiwang ang album’s release, isang special launch event na may titulong “Isha Ponti: LIKAS” ang nakatakdang idaos sa Hunyo 20, 2026 sa VIVA Cafe sa ganap na alas-7 ng gabi tampok ang mga sorpesang panauhin.