Advertisers
By Anne Venancio
Inamin ni Iñigo Pascual na minana niya sa amang si Piolo Pascual ang pagiging mahilig sa pagkain, na pabirong tinawag niyang “pagiging matakaw.”
Nagpapasalamat ang aktor sa suporta ng kanyang ama sa kanyang showbiz career, kabilang ang pagpaalam sa kanya tungkol sa Philippine adaptation ng The Good Doctor, kung saan ginagampanan niya ang isang young doctor na may savant syndrome. Dahil dito, umuwi siya ng Pilipinas upang tanggapin ang proyekto.
Itinuturing ni Iñigo na malaking hamon ang kanyang karakter kaya’t ginagawa niya ang lahat upang maipakita ito nang maayos, sa tulong ng direktor at kapwa aktor.
Sa usaping pamilya, sinabi rin niya na si Piolo ay isang masipag na ama at inspirasyon niya sa trabaho. Aniya, nagsisilbing motibasyon niya ang sipag ng kanyang ama sa tuwing nakakaramdam siya ng pagod o katamaran.
Iginagalang din niya ang personal na buhay ng kanyang ama at itinuturing itong normal para sa isang public figure.
Samantala, abala si Iñigo sa pelikulang Drags to Riches, isang comedy-drama na ipapalabas sa SM Cinemas simula June 24, kasama sina Christian Bables at Elijah Canlas. Ayon sa aktor, naging magaan at masaya ang kanilang taping dahil sa samahan ng cast at production team, at mahalaga sa kanya ang proyekto dahil tampok nito ang LGBTQIA+ community.