Advertisers

Advertisers

Epektibong paggamit ng bawat piso ng national budget, iginiit ni PBBM

0 7

Advertisers

IGINIIT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kailangang maging episyente at responsable ang paggamit ng pondo ng pamahalaan sa ilalim ng panukalang 2027 National Budget.

Ayon sa Pangulo, mula sa P11.69 trilyong budget proposals ng mga ahensya, maingat na tinukoy ang mga programang may pinakamalaking epekto sa mamamayan.

Sa kanyang budget message, inatasan ni PBBM ang mga ahensya na ituon ang kanilang mga panukala sa measurable outcomes o konkretong resulta.



Layunin din nitong alisin ang mga gastusing hindi kailangan o hindi nagbibigay ng sapat na halaga sa publiko.

Binigyang-diin ni Marcos ang transparency, accountability at mahusay na paggamit ng public resources.



Aniya, ang bawat pisong ipinagkakatiwala sa gobyerno ay dapat maghatid ng makabuluhan at pangmatagalang resulta.

Bahagi aniya ito ng kanyang pagsusulong ng good governance at sound fiscal management. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">