Advertisers
TATLONG Pakistani at isang Romanian national ang dinampot ng Cavite Police dahil sa kawalan ng respeto sa bandila ng Pilipinas sa Ternate, Cavite, Lunes ng umaga.
Kasong paglabag sa Sec 34 (I) Paragraph (a) ng RA 8491 (An Act Prescribing The Code of the National Flag) ang kinakaharap ng mga dayuhang sina Sharoon Manzoor, 29 anyos; Shahid Manzoor, 45; at Shamail Jalal, 36, pawang Pakistan; at Loan Oprescu y Emil, 36, Romanian.
Sa ulat, 5:40 ng umaga nang dakmain ni Sergeant Jovlin R. Rojo ng Philippine Marines ang apat na dayuhan nang maaktuhang hinatak ang Pambansang watawat sa loob ng Marine Base Gregorio Lim (BGL) sa Sitio Calumpang, Brgy Sapang 1, Ternate at itinapon sa madamong bahagi ng kampo.
Ang mga dayuhan ay nasa kustodiya na ng Ternate Police Station habang inihahanda ang kinakaharap nilang kaso.