Advertisers

Advertisers

Sa nalalapit na BSKE…38 PAGs TINITIKTIKAN NG PNP!

0 71

Advertisers

KINUMPIRMA ng Philippine National Police na may binabantayan silang 38 potensyal na private armed groups (PAG) at isang aktibong PAG kaugnay ng nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Inihayag ni PNP spokesperson Colonel Jean Fajardo na ang bilang ng mga potensyal na PAGs na binabantayan ng security forces ay bumaba mula sa mahigit 40 hanggang 38.

Ani Fajardo, una naring na-monitor ng PNP ang tatlong aktibong PAGs sa Central Luzon, ngunit dalawang grupo ang sumuko na sa mga awtoridad.



Matatandaan din na inihayag ng PNP na ikinokonsidera nilang isama ang 246 barangays bilang election areas of concern sa ilalim ng red category, na ilalagay sa kontrol ng Commission on Elections (Comelec).

Karamihan sa mga barangay na ito ay nasa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Eastern Visayas, at Bicol Region.



May kabuuang 1,248 barangays ang nasa orange category, habang 1,100 ang nasa yellow category.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">