Advertisers

Advertisers

GEN. TORRE, NGEN. WANKY KINALAMPAG VS GAMBLING MILITIA SA R4-A

0 1,739

Advertisers

NANANAWAGAN ang grupo ng Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB) kay PNP Chief, General Nicolas Torre III, na agad kumilos laban sa kinatatakutang “gambling militia” sa Region 4-A (CALABARZON).

Ayon sa grupo, hindi na basta jueteng ang isyu – ito’y isa nang sindikatong may sariling armadong pwersa na kumikilos sa ilalim ng proteksyon ng ilang tiwaling opisyales ng PNP at gobyerno.

Sa ulat ng MKKB, pinopondohan ang naturang militia group ng dalawang lokal na pulitiko na kilala bilang gambling/drug personalities na sina alyas “Marasigan” at alyas “Gardiola”.

Ginagamit umano ang grupong ito para sapilitang kontrolin ang operasyon ng mga ilegal na pasugalan sa buong rehiyon – mula STL bookies/jueteng, saklaan, pergalan (perya na sugalan), pwesto pijo o permanenteng sugal lupa malalapit sa commercial establishments at malls, billiard halls at iba pang entertainment areas hanggang sa mga lisenyadong sabungan at maging “tupadahan” o illegal na sabungan.

Ang masaklap, ayon sa MKKB, ay may mga ulat na ang ‘di kukulangin sa 50 miyembro ng gambling militia ay malimit na nakasuot ng uniporme at may armas na tila galing mismo sa PNP. Sila ang kasama sa pangongolekta ng “butaw” ng mga itinalagang “kapustahan” (police tong collector) na sina alyas Jun Milan at alyas Sgt. Sandoval sa Batangas; Ady sa Laguna; Hero at Ka Minong sa Cavite; alyas Sgt. Anot, Jammie at alyas Sgt. Panganiban sa Quezon; at Sgt. Marcial at Jack sa Rizal.

Ang “butaw” ay ang lingguhang tong o protection money na remittance sa ilang police scalawags o korap na PNP officials mula sa mga gambling operator kapalit ng proteksyon at pahintulot na makapag-operate sila ng mga iligal na sugal at iba pang aktibidad.

“Si PDGen. Torre III ang bagong mukha ng PNP. Kung gusto niyang linisin ang imahe ng kapulisan, dito siya magsimula-buwagin ang STL bookies/ jueteng operation at iba pang uri ng illegal gambling sa 52 probinsya sa bansa lalo na sa Batangas, Cavite at buong Region 4-A at Region 3, at higit sa lahat ay lansagin ang gambling militia”, pahayag ng MKKB.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Ayon sa MKKB, tila walang ginagawa ang kasalukuyang PRO 4-A Director na si BGen. Jack Wanky, na sinasabing walang sapat na aksyon laban sa nasabing militia group sa mga lalawigan ng Batangas, Cavite, Laguna, Rizal at Quezon. Tinatayang nasa 100 ang STL bookies/jueteng maintainers ang nag-o-operate sa Batangas pa lamang, bahagi ito ng higit pa sa 300 sa buong rehiyon.

Itinatag ang gambling militia sa Batangas nina alyas Marasigan, alyas Gardiola at isang PNP Colonel noong Hulyo. Simula Agosto 2024 hanggang Mayo 2025 ay nakapagsagawa ang mga ito ng sunod-sunod na “raid- style” operation sa mga lungsod ng Lipa, Tanauan, Sto. Tomas, Calaca at Batangas, at sa mga bayan ng Lemery, San Luis, San Juan, Taal, Balayan, Balete, Laurel, Tuy, Lian, Alitagtag, Calatagan, Bauan, Nasugbu, San Pascual, Mabini, Padre Garcia, Malvar, Lobo, Cuenca, Ibaan at marami pang iba.

Ngunit imbes na maaresto ang mga sangkot ay nauuwi lamang ito sa aregluhan, kinukulimbat ang kubransa at ibinabalik din sa operasyon sa kondisyong ang remittance nila ay sa mga rebisahan ng STL bookies/ jueteng nina alyas Marasigan at alyas Gardiola lang isusulit.

Inihalintulad ng MKKB ang sitwasyon sa kontrobersyal na E-Sabong kungsaan higit 100 (hindi lang 34 ayon sa tumayong testigo na si alyas Totoy) sabungero ang nawawala at sinasabing pinaslang ng sindikato.

Giit ng MKKB, ganito rin ang posibleng kahinatnan sa CALABARZON kung hindi masusugpo ang operasyon ng bookies/jueteng at mga katulad nitong ilegal na pasugal na nagtutulak sa paglala ng aktibidad ng gambling militia.

Pinaalalahanan ng MKKB si Gen. Torre III na may mandato ang PNP na labanan ang lahat na organisadong krimen. “Hindi sapat ang press release, kailangan ang totoong operasyon laban sa mga gambling lord, protektor at armadong tauhan ng grupo,” anila.

Hinikayat din nila si Batangas PNP OIC Provincial Director Geovany Emerick Sibalo na simulan ang malawakang crack down sa STL bookies/jueteng, pergalan, sakla den na ang sentro ng operasyon ay sa mga bayan ng Nasugbu, Padre Garcia, Tanauan City at Sto. Tomas City at mga siyudad ng Dasmariñas, Bacoor, Cavite City, mga munisipalidad ng Alfonso, Maragondon, Amadeo, Magallanes, Baillen, Naic, Noveleta sa lalawigan ng Cavite at mga puesto pijo o permanteng sugalan tulad sa bayan ng Lian, Batangas at sa iba pang lugar sa Region 4-A. (CRIS A. IBON)