Advertisers

Advertisers

2 PISKAL, RETIRED JUDGE, EX-PULIS, 8 PA NAGSABWATAN SA ‘KOTONG’

0 115

Advertisers

SINAMPAHAN ng patong-patong na kasong kri-minal ang dalawang piskal (prosecutor), isang retiradong Judge ng Muntinlupa City, isang dating pulis at walong iba pa dahil umano sa sabwatan upang mangikil ng P50 million sa isang dayuhang locator sa Subic Free port.



Ang complainant ay kinilalang si Lacsina Ann Sinlao, residente ng Barangay Mabayo, Morong, Bataan.

Kabilang sa kinasuhan sina Olongapo Assistant Prosecutor Lilia Elizabeth Hinanay-Escusa; City Deputy Prosecutor Ria Niña Elizabeth Sususco; mag-asawang Juana Marquez at Norman Maneja at anak nilang si Cindy; retired Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Judge Leandro Catalo, dismissed Policeman Elgie Dela Cruz Jacobe, Rudy Trance Salangsang, media Blogger Joel Amongo, at tatlong miyembro ng Subic Bay Law Enforcement Department o Subic Bay Police na sina Al Joseph ‘Aj’ Abarro, Rufino Lucat, at isang alyas Gomez.

Ang reklamo ay may kinalaman sa paggamit umano ng grupo sa isang Jenny, anak na babae ni Sinlao, upang gumawa ng pekeng reklamong rape laban sa nasabing Subic business locator na isinampa rin sa Olongapo OCP noong Pebrero 13.

Nitong Agosto 21, nagsu-mite ng kanilang affidavit ang mag-inang Sinlao sa Cabanatuan Prosecutor’s office kungsaan itinanggi nila na sila ang complainant sa reklamo laban sa negosyante.

Ayon naman kay Atty. Baltazar Beltran, abugado ng pamilya Sinlao, hihilingin din nila na mag-inhibit ang Olongapo OCP dahil sangkot sa reklamo ang dalawa nilang kasamahan.

Una nang nag-inhibit ang Olongapo OCP sa pamumuno ni City Prosecutor Charlie Yap sa pagdinig sa pekeng reklamo kaya nalipat ang preliminary investigation sa Cabanatuan City.