Advertisers

Advertisers

Mister adik sa sugal tinodas ang misis, grabe ang anak

0 29

Advertisers

NASAWI ang isang misis nang pagsasaksakin ng mister nitong Sabado de Gloria, Abril 4, sa Angono, Rizal,.
Sa ulat, rumesponde ang mga awtoridad ng Antipolo Police sa tahanan ng pamilya nang makatanggap ng tawag ukol sa insidente. Nadatnan ng mga pulis tahimik ang bahay hanggang sa kanilang pasukin ito.
Sa loob ng silid, tumambad ang walang buhay na misis na nakahandusay sa sahig, habang natagpuan sa banyo ang salarin na duguan at may malubhang sugat sa tiyan, nakalabas ang ilan sa parte ng bituka nito.
Isang kitchen knife ang nakita sa pinangyarihan na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Ariel Azurin, “Yung suspek naka-lie sa bathroom with a wound in the abdomen. Labas ang kaniyang bituka. At ‘yung wife ng suspek in bloodbath na nakahiga rin doon sa floor ng kuwarto.”
Samantala, kritikal din ang kalagayan ng 15-anyos nilang anak na babae na nasaksak, habang ligtas na nakalabas ng bahay ang 12-anyos nitong kapatid nang walang tinamong sugat.
Dagdag pa ni Azurin, “’Diumano sinaksak siya ng tatay niya. At nagkaroon sila ng opportunity ng kaniyang kapatid na makatakas.”
Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa krimen, at kung paano nagkasaksakan ang salarin at mga biktima, bagaman isa sa mga anggulong tini-tingnan ang posibleng problema sa pananalapi ng pa-milya.
“Based sa interview namin sa kaniyang kapatid, medyo engaged sa illegal gambling, casino. So, baka ‘yun ang dahilan kaya medyo nalubog siguro sila sa utang. Kaya minsan ‘yun ang nagi-ging dahilan kaya nagkakaroon ng ganiyang depression o ganiyang pag-iisip ang mga suspect. But we’re still investigating the case,” ani Azurin.
Nahaharap ang mister sa mga kasong parricide, frustrated parricide, at attempted parricide. Nanatili itong kritikal habang ginagamot sa ospital.