Advertisers

Advertisers

GUSALI SA PAMPANGA GUMUHO: 19 NASAGIP, 40 MISSING

0 5

Advertisers

TINATAYANG 30 hanggang 40 katao ang nakulong sa ilalim ng mga guho nang gumuho ang itinatayong siyam na palapag na hotel sa Teodoro Street sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga nitong Linggo ng uma-ga, Mayo 24.
Ang konkretong istruktura, na itinatayo bilang hotel o aparthotel ay gumuho 3:00 ng madaling araw, kungsaan higit 40 katao ang natabunan, habang 19 ang nasagip.
Kinumpirma ni Jay Pelayo, Information Officer ng Angeles City, na bagama’t hindi pa malinaw ang eksaktong sitwasyon sa ilalim ng mga labi, agresibo paring isinasagawa ng mga awtoridad ang paghahanap sa mga nawawala.
“Wala naman po silang naiulat pa na may nagpapasaklolo, pero nandoon po ‘yung mga team ngayon sa area,” wika ni Pelayo buhat sa LGU Command Center.
Walong indibidwal na nasa agarang paligid ng pagguho ang matagumpay na nailigtas.
Kinilala ni Pelayo ang mga nasagip na mga “passersby, mga incidentally nandoon po sila sa area nung mangyari po yung collapse.”
Ang walong nagtamo ng maliliit na gasgas ay kayang maglakad, at kasalukuyang nasa maayos na kondisyon.
Bukod pa rito, ang project foreman at 10 sa kanyang mga construction worker ay nakaligtas nang walang pinsala mula sa mga gumuguhong guho.
Nasa kustodiya at panga-ngalaga na sila ngayon ng lokal na pamahalaan (LGU) at nasa maayos na kondisyon. Gayunpaman, ang unang ulat ng kapatas ang nagpaalarma sa mga naiwan.
Nangunguna si Angeles City Mayor Carmelo Lazatin Jr. sa pagtugon ng iba’t-ibang ahensya, na kinabibilangan ng Angeles City Disaster Risk Reduction and Management Office (ACDRRMO), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at mga lokal na opi-syal ng barangay.
Gayunpaman, ang mga pagsisikap sa pagsagip ay nahahadlangan ng matitinding pa-nganib sa pinangyarihan.
Inaasikaso ng mga crew ang bumagsak na imprastraktura ng kuryente, na naglilimita sa agarang pag-access sa sentro ng pagguho.
“Hindi lang po lahat pwedeng maka-access doon dahil medyo maselan pa ho ‘yung may mga kawad ng kuryente ho yung mga inaayos sa area,” paliwanang ni Pelayo.
Habang nagpapatuloy ang paghahanap, naglunsad ang LGU ng imbestigasyon sa legal na katayuan at kasaysayan ng istruktura ng gusali.
“‘Yan po ang inaaalam natin ngayon sa kasalukuyan kung anong history nitong construction site na ‘to,” waika ni Pelayo.
Dagdag pa niya, wala pa silang naririnig mula sa pamunuan o sa may-ari ng proyekto.
“Wala pa hong formal na ganung pag-uusap. Inaalam pa natin kung merong ma-kikipag-coordinate sa ACDRRMO dito sa Command Center.”
Bagama’t tumama ang isang malakas na bagyo sa lungsod noong nakaraang hapon, nilinaw ng mga lokal na opisyal na masyadong maaga pa para ipalagay na ang pagkasira ng istruktura dahil sa lagay ng panahon.
“Hindi po pa natin nai-assess kung may factor ‘yung ulan nitong Sabado dito sa nangyari ngayon,” dagdag ni Pelayo.(Thony D. Arcenal)