Advertisers
NAHAHARAP sa kasong swindling at estafa ang babaeng nangulimbat ng pera sa mga biktima gamit ang pangalan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa JR Borja, Cagayan de Oro City.
Kinilala ang suspek na si Hermolina Satorre, 56, taga-Poblacion Maigo, Lanao del Norte.
Sinabi ni Cogon Police Station Commander Cpt. Ernesto Sanchez na una nang nakakuha ng P69,000 ang suspek sa biktima, ngunit nang muli itong humingi ng karagdagang P5,000 ay inilunsad na ang operasyon.
Ayon kay Sanchez, nanghihingi ang suspek ng pera sa mga biktima nito para umano sa pagproseso sa napanalunang pera mula sa PCSO.(PTF team)