Advertisers

Advertisers

Impeachment trial ni Sara bukas sa publiko sa Hulyo 6

0 5

Advertisers

BUBUKSAN ng Senado ang pasilidad nito para sa mga Pilipinong nais personal na masaksihan ang impeachment trial na nakatakdang magsimula sa Hulyo 6.

Ayon sa clerk ng Impeachment Court, magiging bukas ang lugar ng Senado sa publiko upang mapanood nang live ang paglilitis, bilang bahagi ng pagsusumikap na matiyak ang transparency at maipakita sa taumbayan ang proseso ng impeachment.

Sinabi ni Senate Secretary Renato Bantug Jr., na siya ring Senate Secretary at clerk ng Impeachment Court, may nakalaang mga upuan sa loob ng Senado para sa mga Pilipinong gustong masaksihan nang live ang paglilitis.



“Pwedeng walk-in pero kailangan mag-register sa Visitor Management ng Senado. Yung reservation ay maaring gawing online,” wika ni Bantug.

Gayunman, limitado aniya ang kapasidad ng main plenary hall ng Senado.



Mayroon lamang itong 340 upuan sa gallery at 30 upuan sa VIP box.

Inaasahan din malawakang ipalalabas ang inaabangang impeachment trial sa iba’t ibang istasyon ng telebisyon at mga online streaming platform upang mas mara-ming mamamayan ang makapanood ng mga pagdinig.



Ayon pa kay Bantug, ang mga upuang hindi magagamit ng panig ng prosekusyon, depensa, at mga kawani ng Senado ay ilalaan sa mga miyembro ng publiko na nais manood ng impeachment trial. (Mylene Alfonso)