Advertisers
DINEPENSA ni Atty. Mark Tolentino na kusang lumapit ang naarestong talent manager at mga babae sa kli-yente niyang si dating Negros Oriental Representative Jing Paras.
Kaugnay ito sa pag-kakadawit ng pangalan ni Paras at Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste sa character assassination o ‘sex scandal plot’ para sirain si Executive Sec. Ralph Recto.
Si Recto ay kalaban sa politika ni Leviste sa Batangas.
Nag-ugat ito nang maaresto ng NBI sa isang entrapment operation ang talent manager na si Lito de Guzman alyas “Ken” at lima pang babae.
Sinabi umano ni De Guzman sa NBI na nakipag-ugnayan sa kaniya si Paras upang kumuha ng mga babae at gumawa ng fabricate statement na pinuwersa silang makipagtalik at gumamit ng ipinagbabawal na gamot.
Sa pahayag ni Tolentino sa panayam sa kaniya ng media noong Martes, Agosto 11, 2026, idiniin niyang walang naganap na “hiring” sa natu-rang kaso ng kaniyang kliyente na si Paras.
Depensa ng abogado, kusa lumapit ang talent manager at mga babae kay Paras upang ihayag ang umano’y nangyari noong 2025.
“Walang word na ‘hire.’ Walang nangyaring pag-hire. Walang nangyaring pag-recruit. It’s purely, sila ang lumalapit sa kliyente ko para mag-offer sila ng statement sa nangyari noong 2025,” pagsisimula niya.
“Walang behind kasi sila ang nag-volunteer. Si Mr. ‘Ken’, sila ang nag-offer, nag-volunteer na may sasabihin na nangyari in 2025.”
Ani Tolentino, nagtawag ng abogado at tumulong lang si Paras na gumawa ng affidavits para sa mga babae dahil sa adbokasiya nitong ayusin ang gobyerno.
Diin pa niya, “Tumawag sila na may gusto silang sabihin na nangyari noong 2025 na makatulong sa government. Gusto nilang lapitan si Cong. Jing Paras kasi ang advocacy ni Jing Paras is accountability, transparency, and of course, anti-corruption.”