Advertisers

Advertisers

Sundalo patay, 2 sugatan sa ambush

0 2

Advertisers

NASAWI ang isang sundalo, at dalawa nitong kasamahan ang sugatan nang tambangan ng riding-in-tandem sa Barangay Tagbak, Indanan, Sulu noong Miyerkules, Agosto 12, 2026.
Kinilala ang nasawi na si Corporal Aldrin A. Wanson, 34 anyos.
Ayon sa ulat ng Indanan Municipal Police Station, 8:20 ng umaga nangyari ang insidente sa bahagi ng KM 4, Sitio Kasambuhan habang pabalik sa kanilang kampo ang tatlong sundalo matapos sumailalim sa Physical Fitness Test sa Division Headquarters. Kalibre .45 na pistola ang ginamit sa pananambang.
Tinamaan ng bala sa likod ng ulo si Wanson, sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.
Nagtamo naman ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawa nitong kasamahan at kasalukuyang ginagamot sa ospital.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.