Advertisers

Advertisers

AFP nanindigan ‘di pababayaan ang BRP Sierra Madre na nasa Ayungin Shoal

0 8

Advertisers

MARIING nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi nila pababayaan o iiwan ang BRP Sierra Madre.

Ayon kay AFP spokesperson for West Philippine Sea Ret. Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, nagpapakalat lamang ng maling impormasyon ang Chinese Embassy sa Manila ukol sa presensiya ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Dagdag pa nito na malinaw na nagpapakalat lamang ang Chinese Embassy ng maling impormasyon at nais nilang baligtarin ang kasaysayan.



Nanindigan si Trinidad na ang presensiya BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal ay makatarungan at ito ay napapaloob sa 2016 Arbitral Tribunal na siyang nagpapatunay sa maling pag-angkin ng China.

Paglilinaw nito na walang anumang mga plano para tanggalin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">