Landslide sa Morong Rizal DPWH 2nd DEO nanawagan sa mga motorista ng pag-iwas
Advertisers
Nanawagan ang pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Rizal 2nd District Engineering Office sa publiko at mga motorista na iwasan muna ang pagdaan sa Marikina Infanta Road KM 44+009 na sakop ng Bayan ng Morong ngayong araw Sept. 4,2026 dahil sa naganap na landslide.
Base sa report na isinumite ni Rizal 2nd DEO District Engineer (DE) Juan “Johnny” Panganiban sa tanggapan ni Secretary Vince Dizon ang mga biyahero at motorista ay pinapayuhan na iwasan na muna ang naturang lansangan.
Sa halip ay mas makakabuting baybayin ng mga biyahero at motorista ang mga rutang ipinalabas ng naturang tanggapan nang sa gayon ay hindi na makadaan pa sa pinangyarihan ng landslide. (CESAR BARQUILLA)