Advertisers

Advertisers

Manyakis na parak nandakma ng wetpaks, sibak

0 38

Advertisers

SINIBAK na sa puwesto ang pulis na inireklamo ng ‘act of lasciviousness’ dahil sa panghihipo ng puwet ng babaeng bumibili sa isang sari-sari store sa lungsod ng Caloocan.
Base sa report ni Northern Police District (NPD) Director, Brig. General Benliner Capili, ang sinibak na parak ay may ranggong Master Sergeant at kinilala sa alyas “Jayjay”.
Pinaiimbestigahan din ni Capili kay Caloocan City Police Chief, Colonel Joey Goforth, ang mga pulis na nakatalaga sa Bagumbong Police Sub Station kaugnay ng kapabayaan, pagpalpak sa pagsisiyasat o kakulangan sa pagtugon na aksiyunan ang mga reklamo ng mga biktima sa himpilan.
Sa imbestigasyon, kabilang dito ay ang reklamo sa insidenteng nangyari Setyembre 8, 2026, 8:20 ng gabi sa isang sari-sari store sa Barangay 171, Bagumbong na nakunan ng CCTV habang hinihipuan ng parak sa puwet ang nagrereklamong biktima.
Inihayag ni Capili na lahat ng reklamo na kinasasangkutan ng mga pulis ay nararapat lang na seryosong bigyan ng atensiyon at aksiyunan nang mabilis batay sa makakalap na ebidensiya na naaayon sa batas, panuntunan, at regulasyon.
Gayunman, hindi inaksyunan ng nasabing himpilan ang reklamo laban sa kapwa parak ng mga ito kaya’t nagdesisyon ang biktima na dumulog sa isang isang television network.
Nahaharap sa kasong kriminal at administratibo si Jayjay. Kabilang dito ang grave miscounduct, acts of lasciviousness, at paglabag sa Safe Spaces Act (Anti-Bastos Law).