Advertisers

Advertisers

Dismissed police todas sa ambush sa Laguna

0 254

Advertisers

LAGUNA – Patay ang dating miyembro ng Calamba City PNP nang tambangan sa Barangay Parian ng naturang lungsod Martes ng gabi.
Sa ulat ni Lt. Cololnel Jonathan Villamor, hepe ng Calamba PNP, kinilala ang biktima na si dating PO2 Ramonito Suarnaba Tomo, residente ng Bgy. Parian.
Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa kanyang ulo ang biktima dahilan ng kaagad nitong kamatayan.
Nabatid na naglalakad papauwi ang biktima nang ma-lapitang pagbabarilin ng nag-iisang salarin sa mismong ta-pat ng tanggapan ng Bureau of Fire Mimaropa Regional Office.
Tumakas ang salarin na naglalakad lamang bitbit ang ginamit nitong kalibre .45 na pistola.
Ayon sa pulisya, halos limang taon nang wala sa serbisyo ang biktima makaraang patawan ng ‘dismissal order’ dahil sa mga kinakahatrap nitong kaso. (Dick Garay)