Advertisers

Advertisers

Kawatan timbog sa panlilimas ng grocery

0 216

Advertisers

TIMBOG ang isang akyat-bahay nang tangayin ang P15,000 cash sa isang grocery store.

Sa ulat, 7:00 ng umaga nitong Huwebes, nakatanggap ng tawag ang Naic Police Station tungkol sa isang robbery incident.

Sa paunang imbestigasyon, nakapasok ang magnanakaw mula sa bubong ng grocery store at lumusot sa kisame nito. Huli sa CCTV ang ginawa ng magnanakaw kungsaan sinira niya ang isang vault at kinuha ang lamang pera.



Lumabas pa sa imbestigasyon na ang 30 anyos na lalaki ay miyembro ng notorious na “Akyat Bahay Gang” na naka-base sa Las Pinas.

Gumagawa ang mga ito ng pagnanakaw sa NCR at mga lugar sa Cavite. Target ng grupo ang mga convenience stores, residential areas at iba pang mga establisiyimento ng negosyo.



Sasampahan siya ng paglabag sa Article 302 ng Revised Penal Code o robbery in an uninhabited place or in a private building.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">