Advertisers

Advertisers

Karaoke bar may prostitusyon, pinadlak

0 215

Advertisers

Pinuri ng ilang mga legal na karaoke bar owners sina National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Police Major General Jonnel Estomo, Southern Police District Police Brigadier General Kirby John Brion Kraft at Parañaque City Mayor Eric Olivarez sa pagpapasara sa mga inirereklamo na illegal karaoke bar na prostitution den at nag-o-operate din ng ilang taon ng walang kaukulang business permit.

Unang nakarating ang sumbong ng ilang mga legal na mga bar owners kay SPD Director Kraft ukol sa talamak na prostitution den ng isang iligal na karaoke bars sa Parañaque kung kaya’t nagkasa agad ng operasyon ang mga pulis ng Parañaque Station subali’t sa hindi malaman dahilan ibang bar ang na raid ng mga tauhan ng intelligence unit ng Parañaque Police Station.

Nagpatuloy pagbubukas ng target na prostitution den na karaoke bar kung kaya’t agad na gumawa na ng aksyon ang Parañaque LGUs ang Business Permit Licensing Office (BPLO) ng operasyon at ipinasara ang naturang prostitution den dahil narin sa kawalan ng business permit.



Subali’t pagkaalis ng BPLO ilang oras lamang ang pagitan muli na naman balik sa operasyon ang naturang iligal na karaoke bar.

Matapos makarating ang report sa BPLO tuluyan ng nilagyan ng poster close ang naturang bar at nakahingan na ng maluwag ang mga ilang legal na establishmento na nag-o-operate sa lungsod ng Parañaque partikular na sa kahabaan ng Airport Road St. sa Baclaran ng naturang lungsod.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">