Advertisers

Advertisers

Master initiator sa pagkamatay ni Salilig hawak na ng PNP

0 138

Advertisers

NASA kostudiya na ng Philippine National Police ang master initiator na nagsagawa ng hazing sa engineer student ng Adamson University na si John Matthew Salilig.

Sinabi ni PNP spokesman Colonel Jean Fajardo, sumuko ang master initiator nitong Huwebes kay Cavite Governor Jonvic Remulla.

Bukod dito, pitong suspek na rin ang sumuko sa mga awtoridad habang pinaghahanap ang siyam na iba pa



“Hawak po ng Biñan Police Station iyong pito po doon sa mga suspek, kasama na po iyong sumuko kahapon kay Governor Jonvic Remulla na siyang sinasabing master initiator. Maliban po diyan sa pito na iyan ay nasa kustodiya pa rin po ng Biñan Police iyong tatay po noong isa doon sa mga suspects na kung saan nag-apply po ng search warrant po iyong ating PNP. So, may mga siyam pa po tayong ina-account at large po na mga suspect,” pahayag ni Fajardo.

Una nang sumuko sa mga pulis sina Tung Cheng Teng, 22 anyos, Earl Anthony Romero, 21 anyos, Jerome Balot, 22 anyos, Sandro Victorino, 28 anyos, Michael Lambert Ritalde, 31 anyos at Mark Pedrosa, 39 anyos na mga miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity.



Kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 11053 o Anti-Hazing Law ang master initiator.

Sinabi pa ni Fajardo na may ginawa na ring forensic examination ang Regional Forensic Unit sa Calabarzon sa narekober na SUV na ginamit ng mga suspek.



Tiniyak naman ni Fajardo na bibilisan ng PNP ang imbestigasyon.