Advertisers

Advertisers

Killer ng 6 pulis sa Laguna timbog

0 281

Advertisers

NAARESTO ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang lider ng sindikato at pangunahin suspek sa pagpatay sa 6 pulis sa Biñan, Laguna sa isinagawang operation sa Midsayaf, North Cotabato.
Kinilala ang nadakip na si Mark Anthony Ayug alyas “Mark Anthony Sison” o “Ricky”, 37, No 1. Regional Level Most Wanted Person sa Region 4A at Level 2 sa Special List of High-Value Individuals on Anti-Illegal Drugs.
Si Ayug ang lider ng “Pogi Sison Criminal Group” na sangkot sa illegal drug trade, gun-for-hire, robbery/hold-up, at extortion na nag-o-operate sa Biñan at kalapit na mga bayan sa Laguna.
Sa report, 4:30 ng madaling araw nang magsagawa ng operation ang pinagsanib na elemento ng CIDG South Cotabato, RID4A, RID PRO12, RSOU 4A, RDEU 4A, Laguna PPO, at MIDSAYAP MPS sa Quezon Ave., Poblacion 8, Midsayap.
Naaresto si Ayug sa bisa ng Warrants of Arrest sa kasong Murder (9 counts), Direct Assault, at paglabag sa RA 8294.
Sa ulat, responsabile ang grupo ni Ayug sa pagpatay kay Captain Jerry Uy at 5 pang pulis na nakatalaga sa Biñan City Police Station.
Nasa kustodiya ng CIDG RFU 12 si Ayug at nakatakdang iharap sa korte na nagpalabas ng warrant of arrest. (Mark Obleada)