Advertisers

Advertisers

Road Users’ Tax iminungkahi ni Sen. Poe na gamitin sa PUV Modernization Program

0 131

Advertisers

INIREKOMENDA ni Senadora Grace Poe na gamitin ang Motor Vehicle Users’ Charge (MVUC) fund bilang dagdag na equity subsidy para sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ng gobyerno.

Ginawa ni Poe ang suhestiyon sa pagdinig ng Senado kaugnay sa pagpapatupad ng PUV modernization program sa gitna ng planong phase out Land Transportation Franchising and Regulatory Board’s (LTFRB) sa tradisyunal na mga dyip at UV Express.

“Baka puwedeng pag-isipan rin natin ang pag-amyenda sa Motor Vehicle User’s Charge, MVUC law, para magamit bilang additional equity subsidy ng PUVMP,” pahayag ni Poe,
chair ng Senate committee on public services sa kaniyang opening statement.



“After all, its current purpose for road construction, repair, and rehabilitation is already redundant with the DPWH (regular budget),” sabi ni Poe.

Nabatid na ang MVUC fund na kinokolekta sa mga motorista ay dapat pinapamahalaan ng Road Board at gagamitin lamang para sa road maintenance at pagpapaganda road drainage, pagkakabit ng traffic lights at road safety devices at air pollution control.



Ayon pa kay Poe, hindi makakayanan ng mga drayber na makabili ng modernong dyip na nagkakahalaga ng P2.3 milyon bawat isa gayong ang kinikita lang nila ay P755 kada araw.

“Kulang na kulang ang P160,000 na subsidy. Kaya naman sa ating panukala na Just and Humane PUV Modernization ay isinusulong natin na hindi dapat bababa sa 20 porsyento and subsidiya ng gobyerno,” paliwanag ni Poe.



Kinastigo rin ng senador ang LTFRB dahil sa puwersahang pagpalit ng PUVs gayung hindi pa plantsado ang naturang programa.

“Bakit pinipilit ang vehicle replacement kung hilaw pa ang ibang parte ng programa? Nasaan na ang komprehensibong plano para sa route rationalization?” tanong ni Poe.

Hinikayat din niya ang LTFRB na ipaliwanag at ibunyag ang plano sa mga drayber na hindi makakasusunod sa modernization program.

“Will they be absorbed in another line of work or ‘thank you’ note na lang ba ang matatanggap nila sa gobyerno kung meron man,” hirit ng senadora.

Hiniling din niya ang update ng LTFRB tungkol sa Local Public Transport Route Plan. (Mylene Alfonso)